Blogbamba
msg placeholder Retry Now
msg placeholder
Publishing Comment () Sec
STOP
Edit Blog?
If you edit your live blog it will reset all the matrices.
Delete Blog?
This actions cannot be undone.
Edit Blog?
If you edit your live blog it will reset all the matrices.
Delete Blog?
This actions cannot be undone.
Kontribusyon ng Social Media sa Lipunan
KABUTIHAN AT KASAMAANG NAIIDULOT NG SOCIAL MEDIA 
Loury Ann Camelotes
2 min read

Ang social media ay nagbibigay-daan sa atin na makipag-ugnayan sa bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay at pakikipagpalitan ng mga impormasyon, personal na mensahe, at iba pang gusto natin iparating gaya na lamang ng personal na impormasyon, dokumento, bidyo, at litrato. Ang social media ay binuo para mapadali ang pakikipag-ugnayan sa ating mga kaibigan, at pamilya na nakatira sa malayong lugar. 

 Ang social media ay may kabutihan at kasamaang epekto sa ating mga kabataan. Ang kagandahan dito, mapapabilis at mapapadali ang komunikasyon natin sa ating pamilya gamit ang Facebook o Messenger, madali na lang makakuha ng impormasyon at hindi na kailangan pang pumunta sa iba pang lugar upang mangalap ng makukuhang detalye.  Ngunit sa kabila nito hindi pa rin maiiwasan ang masamang dulot para sa atin. Halimbawa na lang ay ang cyber bullying sa mga kabataan at ang nauuso ngayon na cybersex na nag-uudyok sa tao na halayin o bastosin ang mga kapwa ko kabataan gamit ang social media, may iba rin na ginagamit ito upang manloko o manggamit ng tao lalo na sa may edad na madaling lokohin.

Pinalawak at pinadali ng social media ang paraan ng komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon sa lahat. Ang pagsulpot ng social media sa ating buhay lalo na sa kapwa ko mag-aaral ay parte na ng modernisasyon na kailangan natin sa patuloy na pag-unlad ng ating bansa. Wala namang masama sa pag gamit ng social media pero sana maging responsable tayo sa paggamit nito. Nawa ay gamitin natin ito sa tamang paraan na kung saan ay nakabubuti sa'tin at hindi nakaka-agrabyado ng iba. Isang mabuting bagay ito para sa ating mga gumagamit, subalit gaya ng kasabihan, “Ang lahat ng sobra ay masama." Ang social media ay may kaakibat na epekto at dapat maingat tayo sa paggamit upang hindi tayo mapinsala at huwag tayo makapinsala ng iba.


Loury Ann Camelotes
0
@louryanncamelotes
More From Loury Ann Camelotes
Comments ()
0
Most Liked
  • Most Liked
  • Most Recent
Delete This Reply?
This actions cannot be undone.
Delete This Comment?
This actions cannot be undone.
msg placeholder
msg placeholder